Maraming bagay ang nag bago,
Lalong lalo na sa ating mundo,
Mundo na nagsimula sa tinatawag nating paraiso,
Pero usok at basura ang nag sira nito.
Noong una,
Ang ating kalikasan sa Pilipinas ay ibang-iba,
Kulay berde ang iyong madadatnan,
Kaya maraming dayuhan ang nagsisipuntahan.
Ganyan kaganda ang Inang kalikasan,
Pero bakit natin hinahayaan?,
Na unti-unting maubos,
Ang ating tinatawag na kayamanan.
Kaya maraming dayuhan ang nagsisipuntahan.
Ganyan kaganda ang Inang kalikasan,
Pero bakit natin hinahayaan?,
Na unti-unting maubos,
Ang ating tinatawag na kayamanan.
Pero bakit lahat nag bago?,
Mundong tinatawag nating paraiso,
Unting-unting nawawala at nagiging abo,
Dahil rin sa ating mga tao.
Bago pa mangyari ang ating kinakatakutan,
Huwag na nating hayaan,
Namadumihan ang ating kapaligiran,
At magsawa ang ating INANG KALIKASAN.
Dahil sa ating mga tao,
Na ginagawa lang nila negosyo,
Ang binigay sa kanila na paraiso,
Ay unti-unti nilang kinakalbo,
Pero bakit ganito?,
Bakit hindi na lang natin alagaan,
At mahalin ito,
Katulad sa pagmamahal ng inang kalikasan sa ating mga tao.
Kaya bigyan halaga ang ating kalikasan,
Huwag dumihan,
Kaylangan natin pahalagahan,
Lalo na ang ating MAHAL NA KALIKASAN.
Bago pa mangyari ang ating kinakatakutan,
Huwag na nating hayaan,
Namadumihan ang ating kapaligiran,
At magsawa ang ating INANG KALIKASAN.
Iyong makikita ang totoong mukha,
Ng ating paligid na kanyang ginawa,
Naging kalbo ang kagubatan na kanyang nilikha,
Pero papaano?.
Isang katanongan ang nasa aking isipan,
Papano naging ganito?,
Ang mahal nating inang kalikasan,
Pinutol at naging abo.
Saan ang hustisya dito?,
Pati maliliit na puno,
Nadadamay sa ating mga tao,
Saan ang hustisya sa mundong ito?.
bakit natin hinahayaan na ang ating Inang kalikasan masugatan,
Sa pamamagitan ng pagputol ng kanyang mga halaman,
Paano natin ito mapapahalgahan?,
Kung hindi naman natin ito inaalagaan.
Na ginagawa lang nila negosyo,
Ang binigay sa kanila na paraiso,
Ay unti-unti nilang kinakalbo,
Pero bakit ganito?,
Bakit hindi na lang natin alagaan,
At mahalin ito,
Katulad sa pagmamahal ng inang kalikasan sa ating mga tao.
Kaya bigyan halaga ang ating kalikasan,
Huwag dumihan,
Kaylangan natin pahalagahan,
Lalo na ang ating MAHAL NA KALIKASAN.
Ito ay Tula na nagpupukaw sa mga damdamin nating mga Pilipino. Na kailangan pahalagahan ang ating kapaligiran. Para hindi masira ang ating Inang Kalikasan. Huwag natin hayaan na sa mga maling tao mapunta ang ating kayamanan. Lalong lalo na ang ating kagubatan at ang ating pinagkukunan ng kabuhayan. Bigyan natin ito ng halaga para sa darating na bagong henerasyon. Kanilang masasaksihan ang kagandahan ng Mahal Inang Kalikasan. Kaya kailangan nating lubos na MAHALIN ANG INANG KALIKASAN upang tumagal ang ating tinatawag na kayamanan.
By: Venice Guzon